Ngayon ang araw na ito, Ipinagdiriwang ang ating Wika na Filipino. pero sa ngayon ba, may nagbibigay ba ng importansya ang wika sa bawat kabataan ng Pilipinas?. Habang pinapanood ko sa aming auditorium ng school namin ang mga kalahok para sa Buwan ng Wika, I realize na talagang mas mahalaga ang pagiging mapagmahal mo sa wika kaysa sa ibang bagay na hindi naman kailangan sa buhay natin..kahit na sa malalayong lugar pa ang bawat Pilipino, ginagamit pa rin ang salitang Filipino kahit na nasa ibang bansa pa sila. Binasa ko ang tema para sa pagdiriwang na ito, napakagandang basahin at may magandang hangarin ang temang iyon dahil sa kagustuhang maibalik ang dating sigla ng wikang Pilipino sa Pilipinas.Maganda naman ang kinalabasan ng aming pagdiriwang, mga makukulay na damit, mga palamuti sa katawan, mga magagandang babae at mga guwapong mga lalaki(isa na ako dun!) at mga nagsipuntang mga panauhin sa pagdiriwang iyon. napakasaya iyon dahil makikita sa mga estudyante ang pagiging malikhain at masigasig para lamang magkaroon ng magandang palabas. kahit ang mga panauhin ay napaka-saya at respetado dahil sa kanilang magagandang kasuotan na maka-Pilipino. At sa mga makakabasa nito ay sana may kahulugan ang wika para sa inyo at para na rin sa bansang Pilipinas. Mabuhay!
Miyerkules, Agosto 31, 2011
Sabado, Agosto 27, 2011
Bakasyon 3 days Only!
Ang hirap talaga kapag marami kang ginagawa tapos tatlong araw lang pala ung bakasyon mo, super igsi! pero sulit din naman kasi babawiin ko lahat sa tulog ang mga ginawa ko past 3 weeks ago. Katatapos lang ng Midterm Exam namin and then 2-3 weeks pa and Pre-Final Exam na tapos another ulit ,ilang weeks pa tapos exam naman, and the last is semestral break na! Pero kahit my semestral break eh may gagawin pa rin ako., Magpapayaman ako then walang maguguglo sa gagawin ko. at heto ako ngayon, nagpapraktis para sa gaganapin na Buwan ng Wika sa school namin (hindi ko na ime-mention ung school, hulaan nyo na lang). kailangan maganda ang kalalabasan ng performance namin at kung sakali baka marami na kaming fans(sana nga). At sana magtuloy-tuloy itong career ko para makilala ako dba? Sana sa mga makakabasa nito eh keep it up guys!,( my nakabasa na sa post ko ngayon). Kahit maikli ang post ko may sense naman.(kung talagang my sense for you).
Martes, Agosto 23, 2011
Glee Club
Minsan nag audition ako sa glee club ng school namin , trip ko sya na salihan pero hindi ko akalain na makakapasok ako dahil maganda daw boses ko at powerful. marami akong naging kaibigan dun sa glee club na yun, hindi ko expected na mga taong palagi kong nakikita sa school na hindi ko naman kakilala ay nakikilala ko na rin, maski ung ang mga taong socialite sa school namin ay makikilala ko pala ng lubusan sa group na iyon. Pero may mga taong sadyang mababait at masayahin kaya gusto ko yung bonding namin kahit na 3 times a week lanmg kami nagkikita sa group, Umpisa pa lang ito ng panibagong saya at poagkakaibigan sa club namin, na kihit na bago palang ito at first batch pa kami, Ok lang yan basta masaya kami at parehas kami ng talent na ibinigay ni Lord sa amin.
Linggo, Agosto 21, 2011
Student Life
Minsan, hindi mo na naiisip na patapos na pala ang isang semester sa college, hindi mo na namamalayan na isang taon ka ng nasa college, o malamang isang taon ka ng walang girlfriend, minsan yan ang nangyayari dahil sa pag-aaral. nakakalimutan o sadyang ayaw mo lang pansinin., kahit sa mga parents mo, minsan hindi mo na sila nakakausap dahil busy din sila katulad mo. ipinost ko to dahil yan ang nangyayari sa akin pero, eversince, wala pa akong girlfriend at sa ngayon gusto ko ng gawin pero marami pa akong dapat na ayusin sa buhay estudyante ko...masarap ang maging single at wala ka pang masyadong iniisip at sana dumating na sa buhay ko ang babae na tama para sa akin. hindi ako nag-da-drama sadyang inilalabas ko ang mga saloobin ko dahil isa akong estudyante.
Welcome!
Sa ngayon, bago pa lang ako sa blog na ito. gusto ko dito na mag post dahil alam ko na may mga makakabasa sa mga ipo-post ko at. kung ano man ang gusto kong ilagay sa blog ko...freedom ko ito kaya sa mga makakabasa, unawain nyo na lang sana. Ang mga ipo-post ko ay tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko (hindi lahat), mga opinion ko at mga pananaw, mga experiences at iba pa. Excited na ako sa pagpost dito. Mabuhay!
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)