Lunes, Setyembre 3, 2012

School Rumble

    Matagal na rin akong hindi nakakapag-post sa blog ko, bihira ko rin itong nabubuksan kasi marami din akong ginagawa sa school, minsan nakakatamad mag-post. Pero ngayon, ginanahan na ako kasi sa mga oras na ito, wala kaming Prof sa subject ko ngayon. Marami na akong hindi nai-kwento dito sa blog ko simula ng unang semester ko sa 3rd year college ko. Masaya naman ako pero may mga bagay na hindi ko maiwasan na mapaisip dahil na rin siguro sa kinagisnan ko na mga kaklase noon at ngayon. Iba ang pakiramdam ko sa section ko ngayon, kasi iba ung ugali nila kaysa sa dati kong section. hindi ko gaanong nailalabas ang yung ugali ko talaga na makulit, minsan kenkoy hahahaha pero dito sa section k0o ngayon, wala talaga...para akong alien sa section ko ngayon eh. may mga kaklase ako na hindi ko close simula pa noong first day kasi yung mga kaklase ko na sila dati pa. Ang hirap din makisabay sa mga ugali nila kasi iba yung section na ito....hindi ko feel sila eh. sa totoo lang feel ko yung dati kong section., mas masaya ako sa kanila, kaysa sa section ko ngayon. Kaya pipilitin ko next semester na sana maging kaklase ko na sila next semester. Yun lang naman at See you Again!

Biyernes, Mayo 4, 2012

Summer Season (the return)

hi ulit! ako ay nagbabalik makalipas ang ilang buwan ko na hindi ako nakapag-blog dahil na rin sa aking mga busy schedules. at ngayon ay bakasyon ko na bilang isang college student at ako ay turning 3rd year na sa pasukan sa Hunyo....marami na rin ang nagbago simula nung pumasok ako sa college, marami akong mga experiences na napagdaanan. Masaya, minsan malungkot at exciting.....halong emotion din ang naranasan ko bilang isang college student pero dalawang taon na lang at matatapos na ako sa aking kurso..pero hindi pa tapos ang laban.... mag-aaral ulit ako para sa aking Masters Degree pero sana matuloy iyon at kapag nangyari iyon....masaya na ako....ah ito lang muna ung masasabi ko dahil na miss ko itong blog na ito....