Lunes, Pebrero 18, 2013

Class Experience

Masaya ako dahil maganda ang section ng pinasukan ko itong 3rd year - 2nd semester. Pero sa una medyo mahirap, dahil ang iba sa kanila ay hindi mo gaanong kilala. Siyempre, naging kaklase ko na ang iba sa kanila noon. Pero ang iba sa kanila ay may kakaiba akong pakiramdam na parang iniiwasan nila ako.

Isang beses may kaklase ako na matalino siya, okay siya sa class namin...magkatabi lang kami ng upuan dahil magkasunog lang ang aming apelyido sa listahan...akala ko magiging close ko agad sya dahil noon pa man ay gusto ko na syang maging kaklase... Pero habang tumatagal ang panahon na naging kaklase ko siya...ni minsan hindi nya ako makausap ng matagal unlike sa iba nyang mga kaklase...

Ang masaklap pa doon kapag kinakausap ko sya or even tinatawag...parang wala siyang pakialam...hindi man lang ako pinapansin....

Isang beses nagpost ako ng mga tweets regarding sa nangyayari sa bahay, hindi ko alam kung binabasa nya ba ung mga tweets ko. dahil karamihan doon ay English....tapos nabasa ko ang tweet nya. nagulat ako sa tweet nya. hindi ko sya direktang nireplayan..nagtweet din ako..at nagreply naman siya..halata sa mga tweets nya na ako ang pinatatamaan...so nalaman ko na ganyan pala sya....(wag nyo ng alamin pa....mahaba istorya eh)

Ayoko na may mga kaaway/kahidwaan ako sa klase namin, kasi ang hirap makisalamuha pati mga ikinikilos mo, pinapansin niya...

Nagbigay siya ng sulat sa akin...ang sabi nya lahat ng times ay naiirita siya kasi dahl sa mga actions ko...naintindinhan ko sya dahil hindi naman nya ako kilala ng lubusan eh, so accepted ko na un...

Isa lang ang masasabi ko... ayaw ko sa kanya....

Huwebes, Enero 31, 2013

Junior College

      Sa ngayon, matagal na rin akong hindi nakakapag blog dahil na rin minsan sa katamaran ko, at minsan naman ay sa pagiging estudyante ko. Pahirap na ng pahirap ngayon ang aming mga subjects lalo na at sa next semester ko ay may thesis subject na ako....ni hindi ko nga alam kung ano ang magiging kapalaran ko sa next semester dahil wala pa akong grupo para sa thesis. 

     Pero may mga bagay na napapaisip ako kung bakit sa mga kaklase ko ngayon ay parang iba na ang pakikitungo nila sa akin....hindi kagaya ng dati na nagkakaroon ng warmth ang pagbati sa iyo, o minsan naman ay willing silang makipag grupo sa iyo kapag may mga project sa ibang subject. Pero ngayon, mahirap na makipag grupo sa kanila, kasi dahil sa ka-tropa mo sila? 

     Ako naman, wala naman akong alam na dahilan upang maging ganun sila ka lamig makitungo sa akin ngayon, at minsan may napapansin ako sa iba kong mga kaklase na parang kakaiba...hindi ko alam kung ano iyon....kapag kinakausap ko naman, okay. kapag may mga ibang bagay na, parang may kakaiba sa ikinikilos nila. 

     Naisip ko din na baka siguro ay nangingilala pa lang sila kaya sila ganun sa akin. Nainintidihan ko naman sila, pero sana fair dapat.

 Pati ang professor ko nabasa nya ang tweet ko tungkol sa kanila, pero pinalampas ko lang ang mga sinabi niya . 

Kaya siguro ganito ako baka na-paranoid ako...hahahaha....

Masaya ako ngayon, bawal ang kj!