Huwebes, Enero 31, 2013

Junior College

      Sa ngayon, matagal na rin akong hindi nakakapag blog dahil na rin minsan sa katamaran ko, at minsan naman ay sa pagiging estudyante ko. Pahirap na ng pahirap ngayon ang aming mga subjects lalo na at sa next semester ko ay may thesis subject na ako....ni hindi ko nga alam kung ano ang magiging kapalaran ko sa next semester dahil wala pa akong grupo para sa thesis. 

     Pero may mga bagay na napapaisip ako kung bakit sa mga kaklase ko ngayon ay parang iba na ang pakikitungo nila sa akin....hindi kagaya ng dati na nagkakaroon ng warmth ang pagbati sa iyo, o minsan naman ay willing silang makipag grupo sa iyo kapag may mga project sa ibang subject. Pero ngayon, mahirap na makipag grupo sa kanila, kasi dahil sa ka-tropa mo sila? 

     Ako naman, wala naman akong alam na dahilan upang maging ganun sila ka lamig makitungo sa akin ngayon, at minsan may napapansin ako sa iba kong mga kaklase na parang kakaiba...hindi ko alam kung ano iyon....kapag kinakausap ko naman, okay. kapag may mga ibang bagay na, parang may kakaiba sa ikinikilos nila. 

     Naisip ko din na baka siguro ay nangingilala pa lang sila kaya sila ganun sa akin. Nainintidihan ko naman sila, pero sana fair dapat.

 Pati ang professor ko nabasa nya ang tweet ko tungkol sa kanila, pero pinalampas ko lang ang mga sinabi niya . 

Kaya siguro ganito ako baka na-paranoid ako...hahahaha....

Masaya ako ngayon, bawal ang kj!