Masaya ako dahil maganda ang section ng pinasukan ko itong 3rd year - 2nd semester. Pero sa una medyo mahirap, dahil ang iba sa kanila ay hindi mo gaanong kilala. Siyempre, naging kaklase ko na ang iba sa kanila noon. Pero ang iba sa kanila ay may kakaiba akong pakiramdam na parang iniiwasan nila ako.
Isang beses may kaklase ako na matalino siya, okay siya sa class namin...magkatabi lang kami ng upuan dahil magkasunog lang ang aming apelyido sa listahan...akala ko magiging close ko agad sya dahil noon pa man ay gusto ko na syang maging kaklase... Pero habang tumatagal ang panahon na naging kaklase ko siya...ni minsan hindi nya ako makausap ng matagal unlike sa iba nyang mga kaklase...
Ang masaklap pa doon kapag kinakausap ko sya or even tinatawag...parang wala siyang pakialam...hindi man lang ako pinapansin....
Isang beses nagpost ako ng mga tweets regarding sa nangyayari sa bahay, hindi ko alam kung binabasa nya ba ung mga tweets ko. dahil karamihan doon ay English....tapos nabasa ko ang tweet nya. nagulat ako sa tweet nya. hindi ko sya direktang nireplayan..nagtweet din ako..at nagreply naman siya..halata sa mga tweets nya na ako ang pinatatamaan...so nalaman ko na ganyan pala sya....(wag nyo ng alamin pa....mahaba istorya eh)
Ayoko na may mga kaaway/kahidwaan ako sa klase namin, kasi ang hirap makisalamuha pati mga ikinikilos mo, pinapansin niya...
Nagbigay siya ng sulat sa akin...ang sabi nya lahat ng times ay naiirita siya kasi dahl sa mga actions ko...naintindinhan ko sya dahil hindi naman nya ako kilala ng lubusan eh, so accepted ko na un...
Isa lang ang masasabi ko... ayaw ko sa kanya....