Biyernes, Oktubre 7, 2011
School Break
Sa ngayon maraming ginagawa ang mga estudyante sa college habang dumating na ang araw na pasahan ng mga projects sa iba't ibang asignatura. may gumagawa ng thesis, gumagawa ng representation, documentation, at marami pa....ganun ako kapag malapit na ung final exam namin...mas maraming ginagawa at minsan magkakaroon ka rin ng mga sakripisyong tulad ng umuwi ng gabi, at minsan hindi pa. at ung iba ay hindi na nakakapahinga dahil nagmamadali na silang tapusin ang mga ginagawa nila para makapasa sila sa mga asignatura nila. alam ko na hindi madali at nararanasan ko naman ito ngayon. kahit sa bahay, hindi ko nga alam kung ano na ang nangyayari o mga balita sa mga taong nasa bahay (uwi ka sa gabi ng 11:00 pm, tulog na ang mga tao sa bahay, at tapos gising ka ng 4:30 am, para magluto, kumain at maligo, tapos, aalis ka nga bahay 6:00am, at uuwi ka na ng 11:00 pm ulit. araw araw ko ito ginagawa simula ng dumating ang final period). pero para rin ito sa akin, kahit may mga araw na nasasabihan ako tungkol dito, naiintindihan nila ako at para rin tumaas ang mga grades ko sa bawat asignatura.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento