Marami sa mga estudyante ngayon ang masaya dahil may tinatawag na sem-break...syempre andyan ung vacation at ginugunita natin ang Pista ng Patay kapag Nobyembre 1 at All Soul's day kapag Nobyembre 2. ako din ay masaya dahil relax, tulog, kain, manuod ng TV, walang magawa eh. pero sasamahan din ng utos ng mga magulang sa gawaing bahay...at least masaya dahil kasama mo sila ng ilang linggo sa bakasyon na ito.
Pero para sa iba, trabaho pa rin ito lalo na ung nasa field ng gobyerno at ng broadcasting kasi nagsisilbi sila sa bayan at kailangan nila ito gawin para na rin sa kanilang pamilya na itinataguyod nila araw-araw. ganun din ang papa ko dahil maski ano mang Holiday sa Pilipinas ay nag-tatrabaho pa rin sya para sa aming Pamilya.
Kaya masasabi ko na ang sem-break ay para sa lahat pero iisipin din natin na kailangan tumulong din tayo kahit mga simpleng bagay na siguradong matutuwa sa iyo ang mga taong nasa paligid mo...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento