Lunes, Pebrero 18, 2013

Class Experience

Masaya ako dahil maganda ang section ng pinasukan ko itong 3rd year - 2nd semester. Pero sa una medyo mahirap, dahil ang iba sa kanila ay hindi mo gaanong kilala. Siyempre, naging kaklase ko na ang iba sa kanila noon. Pero ang iba sa kanila ay may kakaiba akong pakiramdam na parang iniiwasan nila ako.

Isang beses may kaklase ako na matalino siya, okay siya sa class namin...magkatabi lang kami ng upuan dahil magkasunog lang ang aming apelyido sa listahan...akala ko magiging close ko agad sya dahil noon pa man ay gusto ko na syang maging kaklase... Pero habang tumatagal ang panahon na naging kaklase ko siya...ni minsan hindi nya ako makausap ng matagal unlike sa iba nyang mga kaklase...

Ang masaklap pa doon kapag kinakausap ko sya or even tinatawag...parang wala siyang pakialam...hindi man lang ako pinapansin....

Isang beses nagpost ako ng mga tweets regarding sa nangyayari sa bahay, hindi ko alam kung binabasa nya ba ung mga tweets ko. dahil karamihan doon ay English....tapos nabasa ko ang tweet nya. nagulat ako sa tweet nya. hindi ko sya direktang nireplayan..nagtweet din ako..at nagreply naman siya..halata sa mga tweets nya na ako ang pinatatamaan...so nalaman ko na ganyan pala sya....(wag nyo ng alamin pa....mahaba istorya eh)

Ayoko na may mga kaaway/kahidwaan ako sa klase namin, kasi ang hirap makisalamuha pati mga ikinikilos mo, pinapansin niya...

Nagbigay siya ng sulat sa akin...ang sabi nya lahat ng times ay naiirita siya kasi dahl sa mga actions ko...naintindinhan ko sya dahil hindi naman nya ako kilala ng lubusan eh, so accepted ko na un...

Isa lang ang masasabi ko... ayaw ko sa kanya....

Huwebes, Enero 31, 2013

Junior College

      Sa ngayon, matagal na rin akong hindi nakakapag blog dahil na rin minsan sa katamaran ko, at minsan naman ay sa pagiging estudyante ko. Pahirap na ng pahirap ngayon ang aming mga subjects lalo na at sa next semester ko ay may thesis subject na ako....ni hindi ko nga alam kung ano ang magiging kapalaran ko sa next semester dahil wala pa akong grupo para sa thesis. 

     Pero may mga bagay na napapaisip ako kung bakit sa mga kaklase ko ngayon ay parang iba na ang pakikitungo nila sa akin....hindi kagaya ng dati na nagkakaroon ng warmth ang pagbati sa iyo, o minsan naman ay willing silang makipag grupo sa iyo kapag may mga project sa ibang subject. Pero ngayon, mahirap na makipag grupo sa kanila, kasi dahil sa ka-tropa mo sila? 

     Ako naman, wala naman akong alam na dahilan upang maging ganun sila ka lamig makitungo sa akin ngayon, at minsan may napapansin ako sa iba kong mga kaklase na parang kakaiba...hindi ko alam kung ano iyon....kapag kinakausap ko naman, okay. kapag may mga ibang bagay na, parang may kakaiba sa ikinikilos nila. 

     Naisip ko din na baka siguro ay nangingilala pa lang sila kaya sila ganun sa akin. Nainintidihan ko naman sila, pero sana fair dapat.

 Pati ang professor ko nabasa nya ang tweet ko tungkol sa kanila, pero pinalampas ko lang ang mga sinabi niya . 

Kaya siguro ganito ako baka na-paranoid ako...hahahaha....

Masaya ako ngayon, bawal ang kj!

Lunes, Setyembre 3, 2012

School Rumble

    Matagal na rin akong hindi nakakapag-post sa blog ko, bihira ko rin itong nabubuksan kasi marami din akong ginagawa sa school, minsan nakakatamad mag-post. Pero ngayon, ginanahan na ako kasi sa mga oras na ito, wala kaming Prof sa subject ko ngayon. Marami na akong hindi nai-kwento dito sa blog ko simula ng unang semester ko sa 3rd year college ko. Masaya naman ako pero may mga bagay na hindi ko maiwasan na mapaisip dahil na rin siguro sa kinagisnan ko na mga kaklase noon at ngayon. Iba ang pakiramdam ko sa section ko ngayon, kasi iba ung ugali nila kaysa sa dati kong section. hindi ko gaanong nailalabas ang yung ugali ko talaga na makulit, minsan kenkoy hahahaha pero dito sa section k0o ngayon, wala talaga...para akong alien sa section ko ngayon eh. may mga kaklase ako na hindi ko close simula pa noong first day kasi yung mga kaklase ko na sila dati pa. Ang hirap din makisabay sa mga ugali nila kasi iba yung section na ito....hindi ko feel sila eh. sa totoo lang feel ko yung dati kong section., mas masaya ako sa kanila, kaysa sa section ko ngayon. Kaya pipilitin ko next semester na sana maging kaklase ko na sila next semester. Yun lang naman at See you Again!

Biyernes, Mayo 4, 2012

Summer Season (the return)

hi ulit! ako ay nagbabalik makalipas ang ilang buwan ko na hindi ako nakapag-blog dahil na rin sa aking mga busy schedules. at ngayon ay bakasyon ko na bilang isang college student at ako ay turning 3rd year na sa pasukan sa Hunyo....marami na rin ang nagbago simula nung pumasok ako sa college, marami akong mga experiences na napagdaanan. Masaya, minsan malungkot at exciting.....halong emotion din ang naranasan ko bilang isang college student pero dalawang taon na lang at matatapos na ako sa aking kurso..pero hindi pa tapos ang laban.... mag-aaral ulit ako para sa aking Masters Degree pero sana matuloy iyon at kapag nangyari iyon....masaya na ako....ah ito lang muna ung masasabi ko dahil na miss ko itong blog na ito....

Huwebes, Nobyembre 17, 2011

Semestral Break....(Meron pa ba?) Part 2

Marami sa mga estudyante ngayon ang masaya dahil may tinatawag na sem-break...syempre andyan ung vacation at ginugunita natin ang Pista ng Patay kapag Nobyembre 1 at All Soul's day kapag Nobyembre 2. ako din ay masaya dahil relax, tulog, kain, manuod ng TV, walang magawa eh. pero sasamahan din ng utos ng mga magulang sa gawaing bahay...at least masaya dahil kasama mo sila ng ilang linggo sa bakasyon na ito.

Pero para sa iba, trabaho pa rin ito lalo na ung nasa field ng gobyerno at ng broadcasting kasi nagsisilbi sila sa bayan at kailangan nila ito gawin para na rin sa kanilang pamilya na itinataguyod nila araw-araw. ganun din ang papa ko dahil maski ano mang Holiday sa Pilipinas ay nag-tatrabaho pa rin sya para sa aming Pamilya.

Kaya masasabi ko na ang sem-break ay para sa lahat pero iisipin din natin na kailangan tumulong din tayo  kahit mga simpleng bagay na siguradong matutuwa sa iyo ang mga taong nasa paligid mo...

Sabado, Oktubre 22, 2011

Semestral Break...(Meron pa ba?) Part 1

Katatapos ko pa lang ng isang semester sa kolehiyo, at angyon ay naghahanda na ako para sa 2nd semester..siyempre habang tumatagal ..lalo na man humuhirap ang mga subject na kukunin mo. kaya ako ay palaging handa sa mga mangyayari.
Okay naman sa akin ang unang semester, maraming kaibigan, mga bagong kaklase, mga bagong barkada at hindi mawawala ang mga bagong mag-syota...pero may mga taong minsan hindi ko makasundo dahil sa mga komplikadong mga bagay. Ayoko na pagkatapos ng unang semester ay may makakaaway ako....hindi ko na lang pinapansin ang mga sinasabi nila at kung ano pa man yun ay, sa tingin ko insecure lang kasi sila...gusto ko ilabas ang saloobin ko dito sa blog ko dahil sa tingin ko, mas mailalabas ko ang aking samang loob sa ibang tao na nakakasalamuha ko.
 ...(to be continued)

Biyernes, Oktubre 7, 2011

School Break

Sa ngayon maraming ginagawa ang mga estudyante sa college habang dumating na ang araw na pasahan ng mga projects sa iba't ibang asignatura. may gumagawa ng thesis, gumagawa ng representation, documentation, at marami pa....ganun ako kapag malapit na ung final exam namin...mas maraming ginagawa at minsan magkakaroon ka rin ng mga sakripisyong tulad ng umuwi ng gabi, at minsan hindi pa. at ung iba ay hindi na nakakapahinga dahil nagmamadali na silang tapusin ang mga ginagawa nila para makapasa sila sa mga asignatura nila. alam ko na hindi  madali at nararanasan ko naman ito ngayon. kahit sa bahay, hindi ko nga alam kung ano na ang nangyayari o mga balita sa mga taong nasa bahay (uwi ka sa gabi ng 11:00 pm, tulog na ang mga tao sa bahay, at tapos gising ka ng 4:30 am, para magluto, kumain at maligo, tapos, aalis ka nga bahay 6:00am, at uuwi ka na ng 11:00 pm ulit. araw araw ko ito ginagawa simula ng dumating ang final period). pero para rin ito sa akin, kahit may mga araw na nasasabihan ako tungkol dito, naiintindihan nila ako at para rin tumaas ang mga grades ko sa bawat asignatura.