Marami sa mga estudyante ngayon ang masaya dahil may tinatawag na sem-break...syempre andyan ung vacation at ginugunita natin ang Pista ng Patay kapag Nobyembre 1 at All Soul's day kapag Nobyembre 2. ako din ay masaya dahil relax, tulog, kain, manuod ng TV, walang magawa eh. pero sasamahan din ng utos ng mga magulang sa gawaing bahay...at least masaya dahil kasama mo sila ng ilang linggo sa bakasyon na ito.
Pero para sa iba, trabaho pa rin ito lalo na ung nasa field ng gobyerno at ng broadcasting kasi nagsisilbi sila sa bayan at kailangan nila ito gawin para na rin sa kanilang pamilya na itinataguyod nila araw-araw. ganun din ang papa ko dahil maski ano mang Holiday sa Pilipinas ay nag-tatrabaho pa rin sya para sa aming Pamilya.
Kaya masasabi ko na ang sem-break ay para sa lahat pero iisipin din natin na kailangan tumulong din tayo kahit mga simpleng bagay na siguradong matutuwa sa iyo ang mga taong nasa paligid mo...
Huwebes, Nobyembre 17, 2011
Sabado, Oktubre 22, 2011
Semestral Break...(Meron pa ba?) Part 1
Katatapos ko pa lang ng isang semester sa kolehiyo, at angyon ay naghahanda na ako para sa 2nd semester..siyempre habang tumatagal ..lalo na man humuhirap ang mga subject na kukunin mo. kaya ako ay palaging handa sa mga mangyayari.
Okay naman sa akin ang unang semester, maraming kaibigan, mga bagong kaklase, mga bagong barkada at hindi mawawala ang mga bagong mag-syota...pero may mga taong minsan hindi ko makasundo dahil sa mga komplikadong mga bagay. Ayoko na pagkatapos ng unang semester ay may makakaaway ako....hindi ko na lang pinapansin ang mga sinasabi nila at kung ano pa man yun ay, sa tingin ko insecure lang kasi sila...gusto ko ilabas ang saloobin ko dito sa blog ko dahil sa tingin ko, mas mailalabas ko ang aking samang loob sa ibang tao na nakakasalamuha ko.
...(to be continued)
Okay naman sa akin ang unang semester, maraming kaibigan, mga bagong kaklase, mga bagong barkada at hindi mawawala ang mga bagong mag-syota...pero may mga taong minsan hindi ko makasundo dahil sa mga komplikadong mga bagay. Ayoko na pagkatapos ng unang semester ay may makakaaway ako....hindi ko na lang pinapansin ang mga sinasabi nila at kung ano pa man yun ay, sa tingin ko insecure lang kasi sila...gusto ko ilabas ang saloobin ko dito sa blog ko dahil sa tingin ko, mas mailalabas ko ang aking samang loob sa ibang tao na nakakasalamuha ko.
...(to be continued)
Biyernes, Oktubre 7, 2011
School Break
Sa ngayon maraming ginagawa ang mga estudyante sa college habang dumating na ang araw na pasahan ng mga projects sa iba't ibang asignatura. may gumagawa ng thesis, gumagawa ng representation, documentation, at marami pa....ganun ako kapag malapit na ung final exam namin...mas maraming ginagawa at minsan magkakaroon ka rin ng mga sakripisyong tulad ng umuwi ng gabi, at minsan hindi pa. at ung iba ay hindi na nakakapahinga dahil nagmamadali na silang tapusin ang mga ginagawa nila para makapasa sila sa mga asignatura nila. alam ko na hindi madali at nararanasan ko naman ito ngayon. kahit sa bahay, hindi ko nga alam kung ano na ang nangyayari o mga balita sa mga taong nasa bahay (uwi ka sa gabi ng 11:00 pm, tulog na ang mga tao sa bahay, at tapos gising ka ng 4:30 am, para magluto, kumain at maligo, tapos, aalis ka nga bahay 6:00am, at uuwi ka na ng 11:00 pm ulit. araw araw ko ito ginagawa simula ng dumating ang final period). pero para rin ito sa akin, kahit may mga araw na nasasabihan ako tungkol dito, naiintindihan nila ako at para rin tumaas ang mga grades ko sa bawat asignatura.
Martes, Setyembre 13, 2011
Miss Universe 2011
Naglipana na talaga ang mga magaganda sa mundo.!, lalo na sa pageant na Miss Universe 2011 na ginanap sa Sao Paolo sa Brazil. Marami ang mga taga-suporta ng bawat bansa sa kanilang pambato, at hindi rin pahuhuli ang pambato ng Pilipinas na si Shamcey Supsup. Hindi ako makapanilwala sa napanood ko, nakapasok ulit ang Pilipinas sa Top 5 ng Miss Universe. This is the second time to make our Filipinos to be better. Kahit na 3rd runner up siya, Miss Universe pa rin siya para sa Pilipinas. And congrats to her, because she deserves it as a Miss Philippines. and I hope na makapasok ulit ang Pambato natin next year sa Miss Universe and I hope na We get the crown. We love you Shamcey! I am proud to be a Filipino.
Linggo, Setyembre 11, 2011
Illuminati (Part 2)
Pagkalipas ng ilang araw after na naipost ko ang unang parte, nag-research ako ng mga taong invloved daw na myembro ng Illuminati. Hindi ako makapaniwala sa mga nakita kong mga litrato sa isang website, Hindi ko alam kung totoo ba ito o sadyang trip lang ng iba na makapang-loko sa ibang tao. Marami akong nakitang mga komento ukol sa mga nakitang litrato sa website na iyon. Maski ako rin ay nagulat sa mga nakita ko na myembro daw sila ng Illuminati. May nabasa din ako tungkol sa mga ito..." The Illuminati are generally powerful and rich people, not a lot of celebrities are members of the Illuminati. Just because the Illuminati controls the music and film industries, does not mean that all celebrities are members. Celebrities do not sell their souls to become famous, the Illuminati believe in God, they just fear God.The Illuminati will kill anyone, anywhere at anytime to get what they need. The people that are “Anti-New World Order” and speak out against the Illuminati will be murdered like 2Pac, and most recently, Michael Jackson. 2Pac and Michael Jackson were going to warn the entire world about what the Illuminati are planning. If you look at the title of 2Pac’s album “The Don Killuminati” for example; 2Pac was referring to the Illuminati in this title, Kill + Illuminati. The Illuminati have killed 2Pac, Michael Jackson, Marilyn Monroe, Jon Lennon, Jimi Hendrix, John F. Kennedy, Abe Lincoln, Princess Diana, Martin Luther King, the list goes on. " hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa nabasa ko...
Narito ang mga taong involved sa illuminati
1. Tyra Banks
2. Justin Bieber
3. Katy Perry
4. Jennifer Lopez
5. Madonna
6. Britney Spears
7. Tom Cruise
8. Kanye West
9. Oprah Winfrey
10 . Selena Gomez
11. Rihanna
12. Taylor Swift
13. Paris Hilton
14. Nicki Minaj
15 . Miley Cyrus
16. Megan Fox
17. Manilyn Monroe
18. Kobe Bryant
19. Lionel Richie
20. Lindsay Lohan
21. Lil Wayne
22. Lady Gaga
23. Kylie Minogue
24. Angelina Jolie
25. Kim Kardashian
26. Khloe Kardashian
27. Kelly Rownald
28. Jay Z
29. Beyonce
30. Jordin Sparks
31. Jim Jones
32. Pink
33. George Michael
34. Gabrielle
35. Eva Longoria
36. Emma Watson
37. Daft Punk
38. Christina Aguilera
39. Chris Brown
40. Celine Dion
41. Bono
42. Barack Obama
Ang mga nasa listahan ay mga taong kilala sa larangan ng pulitika at entertainment.
Martes, Setyembre 6, 2011
Illuminati (part1)
Sa panahon ngayon, may mga taong gustong malaman kung ano ang mga nangyayari sa mundo. kahit mga simpleng bagay ay kailangan mo pang tignan kung ano ang background. Pero may mga bagay na misteryoso pa rin hanggang ngayon, -Illuminati. Minsan, sumagi sa isip ko kung ano ang ibig sabihin nito. marami akong mga natuklasan na mga taong involved sa ganitong uri ng organisasyon. sabi ng ilan may tinatawag itong kulto o mga elemento nang-galing kay Satanas. Maraming nagsasabi na may ginagamit silang tao para makapamukaw atensyon lalo na sa mga kalalakihan, kahit pati mga Presidente sa America ay miyembro daw nito.........
Miyerkules, Agosto 31, 2011
Buwan ng Wika
Ngayon ang araw na ito, Ipinagdiriwang ang ating Wika na Filipino. pero sa ngayon ba, may nagbibigay ba ng importansya ang wika sa bawat kabataan ng Pilipinas?. Habang pinapanood ko sa aming auditorium ng school namin ang mga kalahok para sa Buwan ng Wika, I realize na talagang mas mahalaga ang pagiging mapagmahal mo sa wika kaysa sa ibang bagay na hindi naman kailangan sa buhay natin..kahit na sa malalayong lugar pa ang bawat Pilipino, ginagamit pa rin ang salitang Filipino kahit na nasa ibang bansa pa sila. Binasa ko ang tema para sa pagdiriwang na ito, napakagandang basahin at may magandang hangarin ang temang iyon dahil sa kagustuhang maibalik ang dating sigla ng wikang Pilipino sa Pilipinas.Maganda naman ang kinalabasan ng aming pagdiriwang, mga makukulay na damit, mga palamuti sa katawan, mga magagandang babae at mga guwapong mga lalaki(isa na ako dun!) at mga nagsipuntang mga panauhin sa pagdiriwang iyon. napakasaya iyon dahil makikita sa mga estudyante ang pagiging malikhain at masigasig para lamang magkaroon ng magandang palabas. kahit ang mga panauhin ay napaka-saya at respetado dahil sa kanilang magagandang kasuotan na maka-Pilipino. At sa mga makakabasa nito ay sana may kahulugan ang wika para sa inyo at para na rin sa bansang Pilipinas. Mabuhay!
Sabado, Agosto 27, 2011
Bakasyon 3 days Only!
Ang hirap talaga kapag marami kang ginagawa tapos tatlong araw lang pala ung bakasyon mo, super igsi! pero sulit din naman kasi babawiin ko lahat sa tulog ang mga ginawa ko past 3 weeks ago. Katatapos lang ng Midterm Exam namin and then 2-3 weeks pa and Pre-Final Exam na tapos another ulit ,ilang weeks pa tapos exam naman, and the last is semestral break na! Pero kahit my semestral break eh may gagawin pa rin ako., Magpapayaman ako then walang maguguglo sa gagawin ko. at heto ako ngayon, nagpapraktis para sa gaganapin na Buwan ng Wika sa school namin (hindi ko na ime-mention ung school, hulaan nyo na lang). kailangan maganda ang kalalabasan ng performance namin at kung sakali baka marami na kaming fans(sana nga). At sana magtuloy-tuloy itong career ko para makilala ako dba? Sana sa mga makakabasa nito eh keep it up guys!,( my nakabasa na sa post ko ngayon). Kahit maikli ang post ko may sense naman.(kung talagang my sense for you).
Martes, Agosto 23, 2011
Glee Club
Minsan nag audition ako sa glee club ng school namin , trip ko sya na salihan pero hindi ko akalain na makakapasok ako dahil maganda daw boses ko at powerful. marami akong naging kaibigan dun sa glee club na yun, hindi ko expected na mga taong palagi kong nakikita sa school na hindi ko naman kakilala ay nakikilala ko na rin, maski ung ang mga taong socialite sa school namin ay makikilala ko pala ng lubusan sa group na iyon. Pero may mga taong sadyang mababait at masayahin kaya gusto ko yung bonding namin kahit na 3 times a week lanmg kami nagkikita sa group, Umpisa pa lang ito ng panibagong saya at poagkakaibigan sa club namin, na kihit na bago palang ito at first batch pa kami, Ok lang yan basta masaya kami at parehas kami ng talent na ibinigay ni Lord sa amin.
Linggo, Agosto 21, 2011
Student Life
Minsan, hindi mo na naiisip na patapos na pala ang isang semester sa college, hindi mo na namamalayan na isang taon ka ng nasa college, o malamang isang taon ka ng walang girlfriend, minsan yan ang nangyayari dahil sa pag-aaral. nakakalimutan o sadyang ayaw mo lang pansinin., kahit sa mga parents mo, minsan hindi mo na sila nakakausap dahil busy din sila katulad mo. ipinost ko to dahil yan ang nangyayari sa akin pero, eversince, wala pa akong girlfriend at sa ngayon gusto ko ng gawin pero marami pa akong dapat na ayusin sa buhay estudyante ko...masarap ang maging single at wala ka pang masyadong iniisip at sana dumating na sa buhay ko ang babae na tama para sa akin. hindi ako nag-da-drama sadyang inilalabas ko ang mga saloobin ko dahil isa akong estudyante.
Welcome!
Sa ngayon, bago pa lang ako sa blog na ito. gusto ko dito na mag post dahil alam ko na may mga makakabasa sa mga ipo-post ko at. kung ano man ang gusto kong ilagay sa blog ko...freedom ko ito kaya sa mga makakabasa, unawain nyo na lang sana. Ang mga ipo-post ko ay tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko (hindi lahat), mga opinion ko at mga pananaw, mga experiences at iba pa. Excited na ako sa pagpost dito. Mabuhay!
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)